Muling nanawagan si Senador Ping Lacson na tuluyang buwagin ang tinatawag na “Leadership Fund” o allocables sa national budget, na tinawag niyang mas masahol pa sa dating pork barrel system.
Ayon kay Lacson, nagbigay ang Leadership Fund ng pagkakataon sa mga mambabatas na magpasok ng mga proyekto sa budget kahit nasa preparation stage pa lamang ito, bago pa isumite sa Kongreso ang National Expenditure Program (NEP).
Aniya, pinatutunayan ito ng testimonya ni dating Public Works Secretary Manuel Bonoan at ng mga alegasyon sa mga maanomalyang flood control projects.
Unang nabanggit ni Bonoan ang Leadership Fund noong 2025 sa Senate Blue Ribbon hearing na pinangunahan ni Lacson.
Pinaliwanag ni Bonoan na isinasama ng DPWH sa NEP ang mga project proposal ng mga mambabatas, kabilang ang mga proyekto sa ilalim ng Leadership Fund.
Sinabi ni Lacson na maaaring ipaliwanag nito kung bakit may bilyun-bilyong pisong individual allocations para sa ilang mambabatas, kabilang ang mahigit.
Binigyang-diin ni Lacson na hindi otomatikong nangangahulugan ng maling paggamit ng pondo ang budget insertions pero maaari itong magbukas ng pagkakataon para sa pang-aabuso at korapsyon. | ulat ni Nimfa Asuncion