Umaasa ang Commission on Elections (COMELEC) na mabibigyan na ng linaw kung matutuloy ba ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa November 2, 2026.
Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, patuloy ang kanilang mga ginagawang paghahanda na nakabatay sa kanilang schedule. Gayunman, mas mainam kung agad malalaman kung matutuloy ang halalan.
Paliwanag ni Garcia, mahirap kasi aniya na kung sasapit ang naturang petsa nang wala pang malinaw na desisyon kung matutuloy o maaantala ang halalan.
Umaasa ang COMELEC ngayong Setyembre ay madedesisyon na kung matutuloy ba ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.