Manila LGU, nagkansela ng pasok sa mga paaralan ngayong araw
Sinuspinde ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang face-to-face classes mula kindergarten hanggang senior high school sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Maynila ngayong Biyernes, August 14.
Ito ay kasunod ng rekomendasyon ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department dahil sa Yellow Rainfall Warning at posibilidad ng thunderstorms.
Pinayuhan ang mga paaralan na lumipat sa Alternative Delivery Mode (ADM).