Binigyang-linaw ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at ng Board of Investments (BOI) ng DTI na isang manufacturing hub at hindi artificial intelligence (AI) hub ang planong pagtatayo ng Pax Silica hub sa Capas, Tarlac.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, ipinaliwanag ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ceferino Rodolfo na hati sa magkaibang parte ang Pax Silica.
Kasama rito ang non-binding o hindi pwersahang kasunduan ukol sa economic initiatives ng 24 na bansa na kinabibilangan ng Pilipinas at ikalawa ang aktwal na pagtataguyod ng proyekto at ito ang balak sa Capas, Tarlac.
Paglilinaw pa ng dalawang ahesiya na hindi nila ito tinatawag na Pax Silica kundi “Clark Advanced Manufacturing Park” na para naman sa paggawa ng mga equipment at component na i-e-export sa AI data centers.
Pinawi naman ni BCDA President at CEO Joshua Bingcang ang mga pinangangambahan sa Pax Silica project.
Aniya, ang 1,619 na ektaryang lupain ang ambag ng gobyerno na para pagtugon sa concerns ng mga komunidad sa development area. Tiniyak pa ng BCDA na hindi ito makaka-agaw sa suplay ng kuryente at tubig sa Tarlac dahil magpo-produce ng sarili ang mga investors, gagamit ng solar energy, baterya, liquefied natural gas at kukuha ng tubig mula sa dagat at gagawa rin ng ipunan ng sobrang tubig.