LTFRB, binuksan ang Frontline Services ngayong Sabado
Tuloy ang operasyon ng Frontline Services ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board Central Office ngayong Sabado, August 15.
Sa abiso ng LTFRB, mananatiling bukas ang kanilang tanggapan upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng serbisyo sa publiko.
Sa kabila ito ng ipinatupad na work-from-home arrangement sa ilalim ng Memorandum Circular No. 123 ng Office of the President dahil sa masamang panahon noong August 10.
Inaanyayahan ng LTFRB ang mga kliyente at stakeholder na magtungo sa kanilang Central Office para sa mga transaksyon at iba pang kinakailangang serbisyo.