Screenshot
Isasailalim sa Yellow Alert ang Visayas Grid ngayong 5:00 PM hanggang 8:00 PM ngayong August 15.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, nasa 2,487 megawatts (MW) ang available capacity ng grid, habang 2,337 MW ang peak demand.
Umabot sa 821.5 MW ang unavailable capacity dahil sa forced outages ng ilang planta at 13 plantang tumatakbo sa derated capacities.
Kabilang sa mga dahilan ng Yellow Alert ang hindi pagtakbo ng malalaking coal plant na TVI 1 at TVI 2, gayundin ang limitadong power import mula Mindanao dahil sa maintenance outage ng GNPK 2.
Ipinapatupad ang Yellow Alert kapag hindi sapat ang operating margin para matugunan ang kinakailangang contingency requirement ng transmission grid.