Iginiit ni Senate President Sherwin Gatchalian na dapat nang madaliin at pabilisin ang pagpapatayo ng permanenteng evacuation centers sa bawat lungsod at munisipalidad bunsod ng malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat.
Ayon kay SP Gatchalian, naaayon ito sa Ligtas Pinoy Centers Act, na nag-aatas sa pagtatatag ng mga evacuation center bilang ligtas at pansamantalang silungan ng mga residenteng lumikas dahil sa kalamidad.
Malaking bagay na agad nang mabuo ang mga karagdagang Ligtas Pinoy Center upang hindi na kailangang gamitin ang mga silid-aralan na maaaring makaantala sa ligtas na pagbabalik-klase kung may sariling evacuation centers ang mga lokal na pamahalaan.
Batay sa report ng Department of Education (DepEd), nasa 522 classrooms sa 134 na paaralan ang kasalukuyang ginagamit ng 2,815 pamilya bilang evacuation centers sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Nanawagan naman si Senate President Gatchalian sa pamahalaan na maipatayo agad ang mga evacuation centers alinsunod sa batas upang magkaroon ng ligtas na lugar ang mga Pilipinong maaapektuhan ng mga sakuna o kalamidad.