Umabot na sa mahigit 5 milyong Pilipino ang apektado ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat at mga bagyong “Luis” at “Maymay.”
Ayon sa pinakahuling progress report ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 5,025,735 indibidwal o 1,435,202 pamilya sa 4,277 barangay sa 11 rehiyon ang apektado.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang NCR, CAR, Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, at Regions 5, 6 at 9.
Nakapaglabas na ang DSWD ng ₱614.13 milyon na humanitarian assistance para sa mga apektadong pamilya. Samantala, 30,703 indibidwal o 8,848 pamilya ang kasalukuyang nakasilong sa 407 evacuation centers.
Habang 77,879 indibidwal o 26,489 pamilya naman ang pansamantalang nakikituloy sa mga kaibigan o kamag-anak. Sa kabuuan, 179 bahay ang totally damaged, habang 1,675 bahay ang partially damaged dahil sa epekto ng mga weather disturbances.