Dalawampu’t limang barangay sa bayan ng Macabebe ang patuloy na nakararanas na mataas na lebel ng baha dulot ng malalakas na pag-ulan dala ng habagat at high tide.
Ito ang pinagbigay alam ni Municipal Disaster Risk Reduction Management Office Head, Jomel Cruz sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service.
Labing limang evacuation sites ang nakatayo sa buong bayan ng Macabebe na nagbibigay ng masisilungan at tulong sa may anim na raang indibidwal.
Ayon pa kay MDRRMO Chief Cruz patuloy ang koordinasyon ng bayan ng Macabebe sa ibat ibang ahensya ng gobyerno upang masiguro ang salat na ayuda sa mga taga-Macabebe kabilang na dito ang libreng sakay upang matulungan makapasok sa trabaho ang mga mamamayan nito sa labas ng bayan ng Macabebe.
Dineklara na din ni Pampanga Governor Lilia Pineda ang State of Calamity para sa probinsya ng Pampanga upang magamit ng mga LGUs ang kani-kanilang Quick Response Fund.
Isa ang bayan ng Macabebe na tinuturing na catch basin na sumasalo sa mga tubig galing sa mga mataas na lugar Pampanga River na pinapalala pa ng High Tide.