Siniguro ng Malacañang na magpapatuloy ang kauna -unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), sa ika-14 ng Setyembre, sa kabila ng nangyaring pag-atake sa convoy ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua, nitong weekend.
“Macacua survived an attempted ambush on Saturday, August 15, when gunmen fired assault rifles at his convoy along the national highway in Barangay Bitu, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.” -PCO.
Ayon kay Communications Usec Claire Castro, nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatuloy ang halalan.
Bahagi kasi aniya, ito ng transition tungo sa democratic governance sa Bangsamoro region.
“Katulad ng nabanggit natin na mensahe ng Pangulo, hindi po ito (ambush) makakapigil sa anomang balak na magkaroon ng tuloy-tuloy na pagbabago para sa pagkakaroon ng pamahalaang demokratiko sa komunidad ng BARMM,” -Castro.
Sabi ni Castro, ang Commission on Elections (COMELEC), una nang inilarawan ang naganap na pananambang sa Bangsamoro official bilang isolated incident.
Binigyang diin ng komisyon na dapat na masunod ang makatakdang schedule ng BARMM election nang walang delay.
At ayon aniya sa COMELEC, nananatili namang generally peaceful naman ang buong BARMM. “Sa ngayon ay malalimang pag-iimbestiga pa rin ang isinasagawa nila (PNP). Pero kung ano man ang operasyon para malaman kung sino ang nasa likod nito ay ipapaubaya na lang natin sa PNP,” -Castro.