Ikinalugod ng Philippine National Police (PNP) ang paglagda sa implementing rules and regulations (IRR) ng Anti-POGO Act of 2025.
Ito ay habang pinaiigting ang mga hakbang upang maiwasan ang pagbabalik ng mga ilegal na operasyon ng POGO sa bansa.
Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez, Jr., magpapalakas ang IRR sa kampanya upang tuluyang mawala ang mga natitirang POGO.
Tiniyak din ni Nartatez na nakatutok ang kanilang mga tauhan sa mga lihim POGO hub na maaaring muling umusbong sa kabila ng pagbabawal dito.
Iniutos din ng PNP chief ang mas masusing case buildup laban sa mga sangkot sa ilegal na operasyon, gayundin ang mas mahigpit na koordinasyon sa iba pang law enforcement agencies. Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2024 ang tuluyang pagbabawal sa mga operasyon ng POGO