Photo courtesy of Marikina PIO
Mahigpit na binabantayan ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang sitwasyon ng pagbaha sa ilang lugar sa lungsod matapos na itaas sa ikalawang alarma ang Marikina River.
Batay sa pinakahuling tala ng lokal na pamahalaan, nasa 16.8 meters na ang lebel ng tubig sa Marikina River.
Sa Facebook po ni Marikina City Mayor Maan Teodoro, pinangunahan nito ang flood monitoring at response sa lungsod.
Ayon kay Teodoro, ang pangunahing dahilan ng pagbaha ay ang mataas na volume ng ulan na sabay-sabay na bumagsak sa Marikina River mula sa mga bundok sa Rizal.
Lumampas aniya sa carrying capacity ng ilang creeks at daluyang ng tubig na nagdulot ng pagbaha sa ilang lugar sa lungsod.
Samantala, binuksan na rin ang mga evacuation center sa lungsod para sa mga pamilyang kinakailangang lumikas partikular na sa mababang parte ng lungsod ang Barangay Malanday at Barangay Tumana. As of 4PM, humupa na at passable ang majority ng mga binahang lugar sa Marikina pero pinapayuhan ang mga residente, lalo na ang mga nasa low-lying areas, na manatiling alerto at maging handa sa posibleng paglikas dahil patuloy pa rin ang mga pag-ulan.