Photo courtesy of PHIVOLCS
Ginugunita ngayong araw, ang ika-50 anibersaryo ng magnitude 8.1 Moro Gulf Earthquake and Tsunami na tumama sa Mindanao noong Agosto 17, 1976.
Nangunguna ang DOST-PHIVOLCS sa mga aktibidad upang maipaalaala ang mga aral mula sa trahedya at mapalakas ang kahandaan sa lindol at tsunami.
Noong 1976, tumama ang malakas na lindol sa Sultan Kudarat at mga karatig-lalawigan, na sinundan ng tsunami na umabot sa siyam na metro sa Lebak.
Malaki rin ang pinsala sa mga baybaying komunidad ng Kalamansig at Palimbang.
Ngayong araw, ilalantad ang unang commemorative marker sa Barangay Tibpuan, Lebak, bilang pagkilala sa mga nakaligtas at tumulong matapos ang trahedya.
Mamamahagi rin ang DOST-PHIVOLCS ng information materials sa mga guro at disaster risk reduction officials.
Bukas, August 18 ay magkakaroon ng exhibit, interactive activities at seminar para sa mga estudyante tungkol sa lindol, tsunami at paghahanda sa sakuna.