Muling magsasagawa ng cosmetics surgical mission ang Philippine Academy of Aesthetic Surgery (PAAS) sa lalawigan ng Lemery, Batangas.
Ang PAAS ay grupo ng cosmetic surgeons o mga doktor na tumutulong sa mga pasyenteng kapos sa pinansyal na kinakailangang sumailalim sa operasyon.
Ayon kay Dr. Roberto Vasquez, hindi isa o dalawang beses sa isang taon ginagawa ang ganitong misyon dahil marami ang humihiling sa kanila ng libreng operasyon mula sa ilang grupo ng rotary club.
Marami na rin umano silang mga probinsyang napuntahan para sa cosmetics at medical mission kung saan sariling gastos nila ginagamit sa mga isinasagawang misyon.
Sa ngayon, pangalawang misyon na nila ito sa labas ng Metro Manila at may nakatakda din silang misyon sa Isabela at iba pang mga lugar sa pakikipagtulungan ng ilang local government units.