Nanawagan si United Nations High Commissioner for Human Rights Volker Türk ng agarang pagkilos upang maprotektahan ang mga seafarer na naipit sa lumalalang tensyon sa Strait of Hormuz.
Binigyang-diin ng United Nations Human Rights Commission na protektado sa ilalim ng International Humanitarian Law ang mga sibilyang sasakyang-dagat at kanilang mga tripulante.
Ayon kay Philippine Permanent Representative to the United Nations in Geneva Carlos Sorreta, mahalagang matiyak ang proteksyon at ligtas na pagpapauwi sa mga stranded na seafarer.
Sinabi naman ni Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Sonia Malaluan na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng MARINA sa mga international maritime organization upang palakasin ang proteksyon, komunikasyon, at repatriation ng mga Pilipinong marino.
Muling iginiit ng Pilipinas ang kahalagahan ng Manila Declaration on Seafarers’ Human Rights, Safety and Well-being para sa mas matibay na proteksyon sa karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng mga seafarer.