Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga volunteer na tutulong sa paghahanda ng Family Food Packs para sa mga pamilyang maaapektuhan ng emergency at kalamidad.
Isasagawa ang volunteer activity mula ngayong araw, Agosto 18 hanggang 29, 2026, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, sa NROC Warehouse – Luzon Disaster Resource Center Pasay City.
Ayon sa DSWD, may dalawang shift ang maaaring pagpilian, alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali at ala-1 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon.
Maaaring magparehistro ang mga nais mag-volunteer sa pamamagitan ng online registration form at pumili ng kanilang schedule at shift.
Layunin ng aktibidad na mapabilis ang paghahanda ng relief packs upang agad na maipamahagi sa mga pamilyang nangangailangan sa panahon ng kalamidad.