Nirerespeto ni LTFRB Chairman Vigor Mendoza II ang desisyon ng Office of the Ombudsman kaugnay ng ongoing investigation laban sa kanya.
Ayon kay Mendoza, hinihintay pa niya ang kopya ng opisyal na kautusan upang maipakita ang kanyang posisyon at mga ebidensiya.
Iginiit niyang ang lahat ng kanyang ginawa noong LTO Chief pa siya ay para sa proteksyon at kapakanan ng mga motorista at ng sambayanang Pilipino.
Aniya, pagkakataon ito upang mapatunayan ang kanyang panig at malinis ang kanyang pangalan sa tamang forum.
Si Mendoza, na dating LTO Chief, at dating LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, na ngayon ay Chairman ng Office of Transportation Cooperatives, ay kapwa pinatawan ng Ombudsman ng anim na buwang suspensyon. Kaugnay ito ng paggamit sa STRADCOM-operated LTO Information Technology System na sinasabing nagresulta sa karagdagang P13.3 bilyong singil.