Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malalimang imbestigasyon sa insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga, kaninang umaga (August 18).
Ayon sa Pangulo, kasabay na rin ito ng pagtutok sa mga hakbang upang maiwasan nang maulit ang trahedya.
Inaalam na aniya ng law enforcement agencies ang buong pangyayari, upang matukoy kung ano pa ang kailangang gawin para maprotektahan ang mga estudyante at komunidad ng mga paaralan.
Sabi ng Pangulo, ang mga eskwelahan ay dapat na kabilang sa pinakaligtas na lugar sa bansa, lalo’t sa mga ito ipinagkakatiwala ang mga bata para matuto.
Nakikipagtulungan na aniya ang pamahalaan sa mga paaralan at komunidad upang palakasin ang seguridad at matiyak na makapag-aaral ang mga kabataan nang ligtas at walang takot.
Ayon sa Pangulo, kaisa siya sa pagdadalamhati ng mga pamilya ng biktima at sa buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga sa trahedyang aniya ay hindi na dapat maulit pa.
“We will work with our schools and communities to strengthen the safeguards that protect our students and ensure that they can pursue their education without fear. 𝗘𝘃𝗲𝗿𝘆 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗳𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆 𝗱𝗲𝘀𝗲𝗿𝘃𝗲𝘀 𝘁𝗵𝗮𝘁 𝗮𝘀𝘀𝘂𝗿𝗮𝗻𝗰𝗲.” – Pangulong Marcos.