Screenshot
Nakabantay ang Office of the Ombudsman sa kinaroroonan nina Sen. Loren Legarda at Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste, na kapwa nasa ibang bansa habang ongoing ang preliminary investigation kaugnay ng alegasyon sa umano’y “ghost electricity”
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, nakakuha ang Ombudsman ng travel authority ng dalawa kung saan humingi si Leviste ng 2 buwang leave para sa overseas trip mula July 26 hanggang September 24.
Batay naman sa impormasyon ng Ombudsman, huling namataan umano sa France sina Leviste at Legarda.
Aminado naman si Clavano na “quite suspicious” ang patuloy na extension ng medical leave ni Legarda, na ilang linggo nang hindi dumadalo sa mga sesyon ng Senado.
Kaugnay nito, kinukonsidera na umano ng Ombudsman ang ilang hakbang kabilang ang posibleng paghiling na makansela ang kanilang pasaporte kung magtatagal ang kanilang pananatili sa labas ng bansa at hindi harapin ang imbestigasyon. Una nang inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nagsasagawa ang Office of the Ombudsman ng preliminary investigation sa reklamong plunder at graft laban kay Sen. Legarda at sa kanyang anak na si Cong. Leviste kaugnay ng umano’y mga iregularidad at “ghost electricity” na may kinalaman sa P10.44-bilyong solar energy franchise.