Natapos na ng Impeachment Clerk of Court ang pagkukumpara sa mga acknowledgement receipts (ARs) mula sa kampo ng depensa at prosekusyon.
Matatandaang noong August 11 trial ay umalma si Private Prosecutor Atty. Lorna Kapunan sa hindi pagresponde ng depensa sa kanilang panukalang schedule para pag-usapan ang posibleng pagkakasundo sa 4,492 acknowledgment receipts (ARs) na ihaharap sa trial.
Dahil dito, inatasan ni Escudero ang dalawang panig na isumite sa Impeachment Court ang kani-kanilang kopya ng acknowledgment receipts na gagamitin sa mga testigo at ang Impeachment Court na ang maghahambing sa mga dokumento.
Ayon kay Escudero, sa ngayon ay may 3,616 ang common o magkaparehong ARs ang dalawang panig.
Sa mga ito, 2,666 aniya ang mula sa Office of the Vice President (OVP) at 950 ang mula sa Department of Education (DepEd).
Nasa 876 ARs naman ng prosekusyon ang walang counterpart mula sa depensa.
Lahat aniya ng ARs ay markado at bibigyan ng kopya ang lahat ng partido maging ang mga senator-judges.
📸 Senate of the Phils