Pinagbigyan ng Senate Impeachment Court ang hiling ni Limwel Ortonio, assistant chief of staff ng Office of the Vice President (OVP), ang hiling na ma-excuse sa pagdalo sa impeachment trial ngayong linggo.
Isa si Ortonio sa mga testigong nakapilang iharap ng prosekusyon sa pagtalakay ng Article 1 ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte o ang alegsayon tungkol sa maling paggamit ng Confidential Fund.
Ayon kay Presiding Officer Chiz Escudero, sa pinadalang liham ni Ortonio nitong August 13, ay dinahilan nito ang pagkuha ng Psychologist Licensure Exam ngayong linggo.
Pinunto ni Escudero na dahil hindi pa tapos ang pagtatanong kay Gina Acosta at susunod pa si Edward Fajarda, ay pinagbigyan ang hiling ni Ortonio
Sa halip, pina-subpoena at pinapadalo si Ortonio sa paglilitis sa Lunes.