Kinuwestiyon ni Senator-Judge Erwin Tulfo ang tila pagiging hirap ng testigong si Gina Acosta na magsalita ng Tagalog sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Lunes gayong nakasagot naman aniya ito ng Tagalog sa mga naging pagdinig sa Kamara.
Sa kanyang interjection sa ika-16 na araw ng paglilitis nitong Lunes, ipinakita ni Tulfo ang transcript ng naging pagdinig sa Kamara noong Nobyembre, kung saan aniya ay maayos na nakasagot sa Tagalog ang testigo sa mga tanong tungkol sa Confidential Funds.
Dahil dito, hiniling ni Senator-Judge Erwin kay Presiding Officer Chiz Escudero na hikayatin o atasan ang testigo na magsalita sa Tagalog para mas mabilis na umusad ang paglilitis.
Giit niya, hindi dapat maging hadlang ang wika sa pagdinig dahil nauunawaan at nasasagot naman aniya ng testigo ang mga tanong sa Tagalog sa mga naunang pagdinig.
Binanggit din niya na ang salit-salitang pagsasalin ng mga tanong at sagot sa Tagalog at Bisaya, ay makapagpapatagal sa Impeachment Trial.
Sa huli, inatasan ni Presiding Officer Escudero si Ligutan na pumili lang ng isang lenggwahe, Filipino o English, sa pagtatanong kay Acosta.
📸 Senate of the Philippines