Walag katotohanan ang pahayag ni Caloocan 2nd District Representative Eric Erice na pinagbantaan umano siya ni DPWH Secretary Vince Dizon na isi-zero ang pondo nito dahil sa mga batikos nito sa gobyerno.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, tinanong niya mismo ang kalihim tungkol sa pahayag ng mambabatas.
Sinabi aniya ni Dizon na hindi niya nakausap ang kongresista tungkol sa naturang zero allocation.
Sinabi ni Castro, hindi naman nila itinuturing na nakakasira sa imahe ng administrasyon ang mga pahayag ni Erice, dahil puro fake news at wala namang basehan ang mga ito.
Pagbibigay diin ni Castro, bilang isang mambabatas, hindi sapat na ulitin lamang ni Erice ang mga naririnig niya mula sa ibang tao, lalo na kung wala itong ebidensya.