Nagpaabot ng pakikisimpatiya ang Ateneo de Manila University sa komunidad ng Ateneo de Zamboanga University at sa mga pamilya ng mga nasawi at nasugatan sa insidente ng karahasan sa eskwelahan, nitong Martes.
Sa isang pahayag, ipinaabot ng Ateneo de Manila ang pakikiisa at panalangin para sa buong komunidad ng AdZU.
Kaugnay nito, mariing kinondena ng ADMU ang walang saysay na karahasan na kumitil sa buhay ng mga miyembro ng komunidad ng AdZU at hiniling ang mabilis na paggaling ng mga nasugatan.
Nanawagan din ang pamantasan sa mga awtoridad na agad imbestigahan ang insidente para mabigyang-linaw ang nangyari at mapanagot ang mga responsable.
Nakababahala anila kung paano nakararating ang mga mapanganib na armas sa mga institusyong para sa pagkatuto at paghubog ng kabataan.