May higit 10,000 pamilya pa ang nananatili sa evacuation centers kasunod ng epekto ng bagyong Luis, Maymay, at ng Habagat.
Batay sa pinakahuling tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), katumbas ito ng halos 36,366 indibidwal na pansamantalang nanunuluyan sa 434 evacuation centers.
Bukod pa ito sa halos 12,000 pamilyang nakikitira muna sa kanilang mga kaanak.
Tuloy-tuloy naman ang pagpapaabot ng tulong ng DSWD sa mga naapektuhan ng kalamidad na aabot na sa ₱784-milyon ang halaga.
Kabilang dito ang family food packs na ipinamamahagi sa mga nasalanta lalo na sa mga inilikas na pamilya.