Dahil sa patuloy na sama ng panahon at naging Work-From-Home arrangement sa lahat ng tangapan ng pamahalaan, pansamantalang hindi muna magbubukas ang mga health centers sa Lungsod ng Taguig ngayong araw.
Ayon sa inilabas na advisory ng lungsod ay kahit na walang bukas na health center ay maari paring magpakonsulta sa mga doktor ng lungsod sa pamamagitan ng telemedicine services upang kahit na work-from-home ang mga health worker ay makakapagsisilbi pa rin sila sa mga Taguigueño.
Kahit nakasara ang mga health center ay naka-standby naman ang mga emergency medic teams kung sakaling kailanganin ng anumang kritikal na serbisyong medical ang bawat residente.