Upang bigyan ng konsiderasyon ang ating mga kababayang naantala ang mga flights dahil sa patuloy na sama ng panahon, nag-alok ang airline company na Cebu Pacific ng libreng reebooking o di kaya naman ay travel fund sa mga pasaherong naantala ang kanikanilang mga biyahe simula August 18 hanggang August 19.
Sa inilabas na advisory ng airline na kabilang sa naturang flight na nakansela ay ang mga biyahe mula at patungong Clark at Maynila.
Ito’y upang mabigyan ng maayos na travel flexibility ang ating mga kababayan upang muli nilang magamit ang kanilang nai-book nang mga biyahe.