Ikinokonsidera na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang pagde-deploy ng mga pulis sa mga pribadong paaralan sa bansa.
Ito ay kasunod ng nangyaring shooting incident sa loob ng isang private school sa Zamboanga City nitong Martes, August 18, na nag-resulta sa pagkakasawi ng Grade 9 shooter nito at sa isang Grade 10 na estudyante.
Ayon kay Remulla, nabatid na nagkaroon ng memorandum circular ang Philippine National Police at Department of Education (DepEd) na payagan ang mga pulis sa labas ng mga public schools kasunod ng nangyaring shooting incident din sa Tacloban City, nitong Hunyo.
Sa tingin ni Remulla ay panahon nang gawin na rin ito sa mga pribadong paaralan.