Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang La Mesa Dam na posibleng umapaw kung magtutuloy tuloy ang malakas na ulan.
Kaninang alas-6 ng umaga, nasa 79.86 meters na ang lebel nito, halos abot na sa spilling level na 80.15 meters.
Ayon sa PAGASA, inaasahan ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ngayong araw, kaya posible ang pag-apaw ng dam sakaling lumampas ito sa kritikal na lebel.
Dahil dito, inaabisuhan ang mga naninirahan sa mababang lugar malapit sa Tullahan River, kabilang ang Fairview, Forest Hills, Quirino Highway, Sta. Quiteria, at San Bartolome sa Quezon City na magingat sa banta ng pagbaha.