Makakaasa ang mga Pilipino na pinaglaanan ng sapat na pondo ng Marcos Jr. Administration ang pagtitiyak ng seguridad sa mga paaralan, sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program (NEP) na isinumite ng Ehekutibo sa Kongreso.
“Maaasahan na mayroong ilalaan na pondo para sa mas pinaigting na seguridad sa ating mga kabataan lalung-lalo na sa mga eskuwelahan,” -Castro.
Kung matatandaan, muling naging usapin ang campus security kasunod ng panibagong insidente ng pamamaril sa paaralan, na naganap sa Ateneo de Zamboanga University (AdZU), nitong Martes (August 18), na kumitil sa buhay ng dalawang maga-aral.
Ayon kay Communications Usec Claire Castro, sa DepEd na mismo nanggaling ang commitment upang pondohan ang mga hakbang na magpapatatag sa seguridad sa mga paaralan.
“Ayon sa DBM, the proposed fiscal year 2027, or the proposed budget provides funding that schools may use for security requirements as part of their regular operations,” -Castro.
Ang DepEd, sinimulan na aniya ngayong taon ang pagsasagawa ng nationwide safety drills, upang masiguro ang kahandaan na mga maga-aral at school personnel sa panahon ng emergency.| ulat ni Racquel Bayan