Photo courtesy of CIBAC Party-list Facebook
Nanawagan si CIBAC party-list Representative Bro. Eddie Villanueva na palakasin ang values formation sa tahanan, paaralan, at lipunan kasunod ng pamamaril sa isang paaralan sa Zamboanga City na ikinasawi ng dalawang estudyante.
Ayon kay Villanueva, hindi lamang dapat sa loob ng eskuwelahan nakatuon ang pagtugon sa karahasan dahil ang tahanan ang unang paaralan at mga magulang ang unang guro ng mga bata.
Inihain niya ang House Resolution No. 1279, na naglalayong repasuhin ang pagpapatupad ng mga umiiral na batas at polisiya tungkol sa values education, anti-bullying, at school safety.
Nanawagan din ang mambabatas sa agarang pagpasa ng House Bill No. 8262 o Social Media Protection for Minors Act.
Layunin nitong palakasin ang proteksyon sa mga menor de edad laban sa mapanganib na online content at mga gawing maaaring maglagay sa kanila sa panganib.