Todo-higpit na ang isinasagawang pagbabantay ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa mga post sa social media kaugnay ng insidente ng pamamaril sa loob ng Ateneo de Zamboanga University noong Martes, Aug. 18.
Nakipag-ugnayan na rin ang CICC sa mga kaukulang ahensya, stakeholders, at sa Meta, para agad na ma-take down ang nasabing footage at para makapagpatupad ng mga karampatang hakbang.
Panawagan ng CICC sa publiko, huwag nang i-repost ang mga video ng nasabing insidente, at gabayan ng mga magulang ang paggamit ng social media at gaming platforms ng kanilang mga anak, lalo na ng mga menor de edad.
Mas mabilis kasing maimpluwensiyahan ang mga kabataan lalo’t iba’ti bang contents na rin ang naglipana sa social media.