Posibleng hindi na ipatawag ng House Prosecution Panel bilang mga saksi sina Col. Raymund Dante Lachica at Col. Dennis Nolasco ng Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) kaugnay ng isyu ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.
Sa isang press conference, inihayag ni Private Prosecutor Atty. Lorna Kapunan, na bukod sa “courtesy” sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na kasalukuyang nag-iimbestiga sa dalawa.
Matatandaang sina Lachica at Nolasco ay itinuro ng mga Special Disbursing Officer (SDO) ng DepEd at OVP na direktang nakatanggap ng pondo kasunod ng utos ni VP Sara.
Gayunman, ayon kay Prosecution Adviser Robert Ace Barbers, nakadepende pa rin ito sa magiging pasya ng buong panel. Kapag kinakailangan silang iharap bilang saksi, tatalima ang prosecution sa five-day rule para sa pagpapatala ng kanilang mga pangalan.