Photo courtesy of Rep. Jude Acidre Facebook
Welcome kay House Committee on Higher and Technical Education Chairperson at TINGOG Party-list Rep. Jude Acidre ang paglalabas ng ₱9.753 bilyon ng Department of Budget and Management (DBM).
Ang naturang pondo ay para sa funding deficiencies ng 108 State Universities and Colleges (SUCs) sa ilalim ng Free Higher Education Program.
Ayon kay Acidre, ang hakbang na ito ay malaking tulong upang mabawasan ang kakulangang pinansyal ng mga pampublikong pamantasan sa nakalipas na tatlong taon.
Binigyang-diin ni Acidre na upang mapanatili ang libreng edukasyon sa kolehiyo, kailangan itong suportahan ng pamahalaan hindi lamang ang mga mag-aaral kundi maging ang mga institusyong nagpapatupad nito.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang partido kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., DBM Acting Secretary Kim Robert de Leon, Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Shirley Agrupis, at UniFAST OIC Executive Director Atty. Septon De La Cruz sa mabilis na pag-aksyon sa mga kinakailangang pondo.
Umapela si Acidre na maiparating agad ang pondo sa mga kaugnay na SUCs upang mabilis na matugunan ang mga pangangailangan sa kanilang mga campus.