Muling ipinag-utos ng Malacañang ang suspensyon ng face-to-face classes sa lahat ng antas (publiko at pribado), pati na rin ang pagpapatupad ng alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan sa buong National Capital Region (NCR) at 17 lalawigan ngayong Huwebes, August 20, 2026.

Ito ay bunga ng patuloy na epekto at pagpapalakas ng habagat o southwest monsoon na nagdudulot ng malakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.
Kabilang sa kautusan ng Palasyo ang mga sumusunod na lugar:
- NCR (Metro Manila)
- Ilocos Region & Cordillera: Abra, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan
- Central Luzon: Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales
- CALABARZON: Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal
- MIMAROPA: Occidental Mindoro
📍 MGA hiwalay na ANUNSYO NG LOKAL NA PAMAHALAAN (LGUs)
Bukod sa pangkalahatang utos mula sa Malacañang, naglabas din ng kani-kanilang abiso ang ilang lokal na pamahalaan para sa suspensyon sa kani-kanilang nasasakupan:
🏞️ CALABARZON
- Laguna:
- Biñan City – Face-to-face classes sa lahat ng antas (publiko at pribado)
🌾 Central Luzon
- Pampanga:
- Mexico – Lahat ng antas (publiko at pribado)
- Face-to-face classes sa lahat ng antas (publiko at pribado) sa mga bayan ng Arayat, Candaba, Floridablanca, Macabebe, San Fernando City, San Simon, at Santo Tomas
🌊 Ilocos Region
- Pangasinan:
- Aguilar – Lahat ng antas (publiko at pribado)
- Bani – Face-to-face classes sa lahat ng antas (publiko at pribado)
- Basista – Face-to-face classes mula Preschool hanggang Senior High School (publiko at pribado)
- Mangaldan – Face-to-face classes sa lahat ng antas (publiko at pribado)
I-refresh ang pahinang ito para sa mga susunod pang update mula sa mga pamahalaang lokal.