Photo courtesy of Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC)
Iminungkahi ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC na isalang na sa repasuhin ng parehong kapulungan ng Kongreso ang mga cybercrime laws ng bansa.
Partikular na tinukoy ni CICC Executive Director Renato “Aboy” Paraiso ang pag-review sa Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012, para ayusin ang mandato ng mga ahensiya.
Giit ni Paraiso, masyado na kasing outdated ang batas ng Pilipinas pagdating sa cybercrime laws, bagay na hindi na nasasabayan ang mga nangyayari sa kasalukuyang technological set-up at trends.
Isa nga sa mga inihalimbawa ni Paraiso ang pagtutok sa mga ipinalalabas ng mga streaming platforms na kinokonsumo ng mga kabataan, na karamihan ay mga video contents na may elemento ng karahasan.
Nagpasalamat din ang CICC sa pribadong sektor na patuloy ang malakas na suporta sa mga isinasagawa nilang threat monitoring.