DILG, tiniyak na ligtas ang Zamboanga kasunod ng nangyaring insidente ng pamamaril
Tiniyak mismo ni Department of the Interior and Local Government o DILG Sec. Jonvic Remulla na ligtas ang lungsod ng Zamboanga at ang mga kabataan nito.
Ito ang naging pahayag ng kalihim kasunod ng insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University nitong August 18.
Hiniling na rin ni Sec. Remulla na ipagpatuloy na ang mga klase sa Lunes, kasabay ng grief counseling, upang unti-unting makabalik sa normal ang buhay sa lungsod.
Dagdag pa ng kalihim na walang anumang nagaganap na “clash between faiths” sa nasabing lugar kundi isang tunggalian sa pagitan ng teknolohiya at accountability na dapat mas pagtuunan ng pansin at matutukan.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.
