Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na agad nang maikakasa ang Waste-to-Energy program ng Department of Energy (DOE) upang mabawasan na ang volume ng basura sa bansa.
Ito ang naging pahayag ng Pangulo matapos kumpirmahin na nagsisimula na sa auction process ang DOE para sa Waste-to-Energy program.
Ayon sa Pangulo, hindi lang problema sa basura ang masasagot ng nasabing programa dahil maging ang pangangailangan ng bansa sa dagdag na suplay ng kuryente ay masasagot din.
Pagtitiyak pa ng punong ehekutibo na sa ipinapakitang phasing ng nasabing proyekto ay posible na itong maisakatuparan sa lalong madaling panahon.
