Photo courtesy of Department of Finance
Nanawagan ang Department of Finance (DOF) sa pribadong sektor na maglagak ng pamumuhunan at inobasyon upang makatulong sa pagpapabilis ng paglago ng ekonomiya at paglikha ng magagandang oportunidad para sa mga Pilipino.
Ito ang mensahe ni Finance Secretary Frederick Go sa ginanap na HSBC Flagship Event na may temang “Philippines Forward: Building the Future, Accelerating Growth”.
Ipinarating ni Undersecretary Michael Peter Alejandro, kinatawan ng kalihim sa event, na patuloy ang mga reporma at inisyatibo ng DOF.
Kabilang dito ang mas mababang cost of doing business, mas mabilis na pagnenegosyo at madaling patakaran para sa mga mamumuhunan.
Nagsama-sama sa naturang summit ang mga opisyal ng HSBC, mga lider ng negosyo, at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor upang talakayin ang mga oportunidad sa investment na maaaring maipatupad sa loob ng anim hanggang 12 buwan upang suportahan ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng Pilipinas.