Ipinag-utos ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng School Safety Drill sa mga Paaralan sa buong bansa kasunod ng mga naitatalang insidente ng pag-atake sa mga paaralan.
Batay sa inilabas na memorandum ng DepEd ngayong araw, inataasan nito ang mga Paaralan na magkasa ng Nationwide Simultaneous School Safety Drill for Active Attack Incidents.
Itinakda ng Kagawaran ang nasabing pagsasanay sa August 25, Martes, 9:00AM sa lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan.
Layon nito na patatagin ang Localized School Contingency Plan sa tuwing may insidente ng pag-atake sa kanilang lugar at matukoy ang kanilang preparedness requirements.
Pangungunahan ito ng Disaster Risk Reducation and Management Services ng mga Paaralan para palakasin ang ugnayan ng iba’t ibang stakeholder upang kagyat na makatugon sakaling dumating ang hindi inaasahang pagkakataon.