Posibleng hindi pa rin dumalo si Vice President Sara Duterte sa pagtalakay ng Kamara sa 2027 budget ng Office of the Vice President (OVP).
Ayon kay Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong, may “gut feeling” siyang muling hindi sisipot ang Bise Presidente sa plenary deliberations, bagama’t posible umanong dumalo ito sa committee hearing.
Tinatayang P2.2 billion ang hinihinging pondo ng OVP para sa 2027, na wala ng confidential at intelligence funds.
Samantala, sinabi ni Adiong na maaari pa ring magtanong ang mga mambabatas sa naging paggamit ng OVP sa confidential funds nito noon kahit pa gumugulong na ang impeachment trial dahil bahagi ito ng kanilang constitutional mandate na suriin ang paggasta ng gobyerno.
“Wala pa naman ding desisyon ang korte patungkol sa impeachment trial, no? So I don’t see any reason bakit magkakaroon ng restriction doon sa mga katanungan na alam naman po natin na this is simply a constitutional mandate that each individual congressman and representatives are exercising,” ani Adiong.