Tiniyak ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na walang delay sa pagproseso ng License to Sell (LTS) applications at nananatili itong nasa tamang landas para maabot ang housing target ng administrasyong Marcos.
Ayon sa DHSUD, hindi totoo ang alegasyong nasa “20-year low” ang kanilang LTS issuances. Sa ilalim ng mga reporma ni DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, kabilang ang digitalization at 15-day action timeline, walong magkakasunod na linggo nang walang overdue regulatory applications sa lahat ng regional offices.
Ipinatupad din ang Temporary License to Sell (TLS) upang mabigyan ng isang taon ang mga aplikanteng makumpleto ang kulang na requirements nang hindi naaantala ang kanilang mga proyekto.
Nanatili rin ang DHSUD sa target nitong makatulong sa paghahatid ng 1.13 milyong housing units bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., habang patuloy na pinoprotektahan ang mga homebuyer.