Mahigit 1,400 residente ng Naga City ang makikinabang sa Enhanced Community Mortgage Program (ECMP) sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ipinagkaloob ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) ang loan assistance sa Mabolo Village Homeowners’ Association Phases 1 and 2 at Saint Joseph Homeowners Association sa isang seremonya sa Barangay Pacol, Naga City.
Sa kabuuan, mahigit 800 pamilya na sa Naga City ang nakinabang sa ECMP, na tumutulong sa mga low-income community na magkaroon ng legal at pangmatagalang seguridad sa lupang kanilang tinitirhan.
Ayon sa DHSUD, layunin ng programa na matulungan ang mga pamilyang nais manatili sa kanilang komunidad habang unti-unting nagkakaroon ng sariling lupa at tahanan.
Sa buong bansa, 47 ECMP projects na ang naaprubahan hanggang August, na inaasahang makikinabang ang mahigit 8,000 pamilya.