Photo courtesy of Department of Environment and Natural Resources (DENR)
Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga lokal na pamahalaan at publiko na paigtingin ang wastong pamamahala ng basura habang nagpapatuloy ang Habagat.
Ayon sa DENR, inaasahang makaaapekto ang Southwest Monsoon sa ilang bahagi ng bansa hanggang Setyembre.
Pinaaalalahanan ang publiko na huwag magtapon ng basura sa mga kanal, sapa, ilog, dalampasigan, at Manila Bay upang maiwasan ang pagbabara ng mga daluyan ng tubig.
Mahalaga ang tamang pagtatapon ng basura upang mabawasan ang panganib ng pagbaha at maprotektahan ang mga komunidad at kapaligiran. Hinihikayat ng DENR ang lahat na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at pangangalaga sa kapaligiran.