Pinagtibay ng Japan-based credit rating agency na Rating and Investment Information, Inc. (R&I) ang “A-” investment grade credit rating ng Pilipinas na may stable outlook.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr., nakabatay ang desisyon ng R&I sa matibay na pundasyon ng ekonomiya ng bansa, kabilang ang maayos na sistema ng pagbabangko, episyenteng payment system, at malusog na external position ng Pilipinas.
Iginiit din ng BSP na patuloy nitong isusulong ang mga hakbang upang mapalapit ang inflation sa target nitong 3%, na makatutulong sa pagprotekta sa purchasing power ng mga mamamayan at pagpapalakas ng pamumuhunan.
Tiniyak ng BSP na ipagpapatuloy nito ang data-driven at forward-looking na pamamahala sa monetary policy, financial supervision, payments oversight, at external sector upang mapanatili ang katatagan at kumpiyansa sa ekonomiya ng bansa.