Pinag-aaralan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Supreme Court ang pag-uugnay ng Documentary Stamp Tax (eDST) at eNotarization para maging ganap na digital ang proseso ng notarization.
Pinangunahan nina BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza at Supreme Court Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa ang pagpupulong ukol dito.
Tinalakay sa pulong ang electronic payment at affixture ng DST sa mga dokumentong electronically notarized.
Ayon kay Mendoza, layunin nitong alisin ang natitirang paper-based requirement sa DST affixture.
Aniya, kung naisagawa, napirmahan, na-notarize, at na-verify na online ang dokumento, hindi na ito kailangang ibalik sa papel.
Nakabatay ang hakbang sa Supreme Court Rules on Electronic Notarization at BIR Revenue Regulations No. 28-2025.
Inaasahang mapapabilis at mapapadali nito ang mga transaksyon, habang isinusulong ang mas episyente at digital na serbisyo ng pamahalaan.