Nilinaw ngayon ng Department of Education (DepEd) na nasa ₱89.9 milyon lamang ang kanilang nakalaang pondo para sa Child Protection Program para sa taong ito.
Ginawa ng DepEd ang paglilinaw, taliwas sa mga lumabas na ulat na papalo sa 89.9 bilyong piso ang kanilang pondo para sa naturang programa.
Nakapaloob sa Child Protection Program ang iba’t ibang preventive programs gaya ng pagbuo ng mga polisiya, session guides, at pagsasagawa ng mga pagsasanay upang pagtibayin ang adbokasiya ng DepEd.
Layunin nito na protektahan ang karapatan ng mga mag-aaral at pagbibigay kakayahan gayundin ng kagamitan upang matugunan ang concerns ng mga mag-aaral.
Sa pamamagitan ito ng mahigpit na pagsunod sa mga protocols at guidelines na itinakda ng kagawaran.