Naging matagumpay ang inilunsad ng pamahalaan na Philippine Business Mission to Greater China 2026 sa Shanghai, China.
Pinangunahan ng Department of Tourism at Tourism Promotions Board ang programa nitong Biyernes (August 21), na naglalayong makaakit ng mas marami pang turista at investors mula sa China.
Sa nasabing aktibidad, ibinida ng gobyerno ang iba’t ibang tourist spots ng Pilipinas, tulad ng Boracay, Bohol, Palawan, Cebu, at Maynila.
Kasama sa delegasyon ng Pilipinas sa Shanghai ang mga opisyal at kinatawan ng mga sikat na travel agencies, hotels, resorts, at airlines ng bansa.
Ayon sa DOT at TPB, mahalaga ang Chinese market sa turismo ng Pilipinas.
Ang magandang balita—base sa inisyal na ulat, milyun-milyong pisong halaga ng travel bookings and reservations ang naselyuhan mula sa aktibidad.