Patuloy ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng emergency cash assistance sa mga magsasaka at landowners na naapektuhan ng Red-Striped Soft Scale Insect o RSSI infestation, sa Negros.
Sa Murcia, Negros Occidental, 2,366 benepisyaryo ang tumanggap ng emergency cash transfer nitong August 23.
Bawat isa ay pinagkalooban ng ₱10,325 na cash assistance upang makatulong sa kanilang kabuhayan at pagsisimula matapos maapektuhan ng infestation.
Isinagawa ang payout sa pakikipagtulungan ng DSWD Field Office Negros Island Region at lokal na pamahalaan ng Murcia.
Patuloy rin ang pamamahagi ng ECT sa iba pang lugar sa Negros Island Region na apektado ng RSSI infestation, bilang suporta sa mga pamilyang nawalan o naapektuhan ang kabuhayan.