Dumipensa si Public Works and Highways Secretary Vince Dizon sa batikos ng ilang netizens hinggil sa mabilis matuklap na mga aspalto sa kalsada matapos malubog sa baha ang maraming kalsada sa bansa.
Ayon kay Dizon sadyang kalaban ng aspalto ang tubig baha.
Aniya, kaya ng aspalto ang tubig ulan subalit kung ito ay mabababad sa baha ay dito na ito matutuklap.
Paliwanag ng kalihim na hindi porket nabakbak o natuklap ang mga inilagay na aspalto ng DPWH sa mga kalsada ay low quality na agad ang ginamit.
Sadya aniyang kalaban ng aspalto ang tubig baha.
Inihalimbawa ni Dizon ang sitwasyon sa mga expressway gaya ng NLEX kung saan maraming bako-bakong bahagi dahil sa natanggal na mga aspalto.
Solusyon aniya dito ay ang mabilis na paghupa ng baha sa pamamagitan ng maayos na pumping stations, drainage, at iba pang flood mitigation projects.